Ang Pinoy daw likas ang pagiging matulungin, kahit sa kagipitan may dadamay parin sayo. Napatunayan namin yan ng asawa ko, nung isang na nanggaling kami sa Baclaran, pauwi na kami nun, dumaan kami sa kahabaan ng Roxas Blvd, sa may tapat ng Department of Finance building na napapagitnaan ng 2 BSP, bigla nalang tumigil si MJ, tumirik kumbaga. Nawala tuloy ang panaginip kong di ko na maalala.
Mga sampung minutong hitik, pilit naming binubuhay ang walang malay na si MJ. Sumuko nalang si Jeff at muntikan naman akong maiyak sa galit sa gumawa kay MJ ng kahindik hindik na gawain. Leche kasi yung asawa ng pinsan nya, nagmamagaling sa electrical ng sasakyan wala naman palang alam.
Wala na kaming nagawa kundi itulak si MJ papasok sa isang parkingan sa tapat ng mga building na nabanggit ko, sa kabiglaanan namin, lumapit ang isang lalaki at babae, tinulungan kaming itulak si MJ papasok sa parkingan kung saan sila attendant. Tinulungan pa kaming maghanap ng mekaniko, all out sila tumulong at di naghihintay ng kapalit. Ayaw pa ngang tanggapin ang bente pesos na inooffer namin, sabi namin kahit pang yosi nalang nya.
Sa awa ng Diyos meron parin palang mga matutulunging tao sa mundo, sana pagpalain sila.
Friday, September 18, 2009
Wednesday, September 9, 2009
Kalsada sa Tag Ulan
Ilang araw ding nag uulan, di kami makalabas ng lungga namin sa takot na bumaha anytime dito sa village. Thank God at di naman nangyari ang kinatatakutan namin, although sa kabilang street ilang beses tumaas ang tubig.
Gaya din ng inaasahan, nung sinubukan naming gumala kahapon, nagkalat ang tubig sa kalsada, in short baha sa dadaaanan namin paluwas ng Marilao, di tuloy kami nakapag grocery.
Aside sa baha, nagkasira sira nanaman ang kalsadang pinilit ayusin ng asupre, yun nga ba ang tawag dun? Nagkabutas butas nanaman sila, at di basta butas, sobrang lalaking butas ang dinulot ng ulan sa kalsadang panahon pa ata ng mga magulang ko ginawa.
Napansin ko rin na ang dating mga daanan papunta sa mga kabahayan ay binaha na. Malamang dahil ito sa pagpupumilit ng DPWH na itaas ang mga kalsada, in the end ang mga tao rin na nakatira malapit dito ang binabaha, san mga ba dadaan ang tubig baha kung ang kalsadang dating bahay nila eh tinaasan na, edi dun sila sa mas mababa.
Di naman ako CE (Civil Enggineer), pero obvious naman na ang dapat gawin eh isang maayos na drainage system na pwedeng humigop ng malalaking volume ng tubig ng di na bahain ang kalsada, sa totoo lang, di naman kailangan itaas ang mga kalsada, laliman dapat ang drainage na kayang mag accommodate ng tubig baha papuntang dagat.
Dapat maging mahigpit din sila sa mga taong nagtatapon ng kung ano ano sa kalsada. Guilty rin ako dito, pero sa buong buhay ko sa Pasig lang ako nasita ng pulis. Kahit papaano may taong concerned pa pala sa nature.
Ang ginagawa kasi ng mga dinapurak na taga gobyerno imbes pagaanin ang buhay nating mamamayan lalo nila tayong nilulugmok sa kahirapan. Imbes na gumawa ng matitibay na infrastructure, mas pinag iigi pa nila ang pagbulsa sa funds na dapat sana ay para sa mga taong bayan.
Dyan napupunta ang tax na binibayad natin. Sila ang mga niluluklok natin sa pwesto, ang mga walang kaluluwang peste ng lipunan.
Anyway, sa mga susunod na post sana may mailagay naman akong maganda tungkol sa lipunan at gobyerno sa Pilipinas.

Friday, August 28, 2009
Kahapon, gaya ng nakagawian na namin ng asawa ko, nagpunta kaming MOA para ipark si MJ (sasakyan namin) at para makapag dasal sa Baclaran.
Sa daan, di ko maiwasan na tumingin sa mga squatter's area dun sa may Malabon. Mas masahol pa ata ang kalagayan nila sa mga squatter's ng Tondo at Caloocan. Sila, literal na squatter kasi mas malaki pa ata ang kama naming mag asawa kesa sa buong bahay nila. Hapon iyon, kaya pinapatulog nung nanay yung mga anak nya dun sa isang bahay na nakita ko. Asa 4-5 ang anak nyang nagsisiksiksan sa loob nung maliit na bahay at kasama yung nanay. Nakatirik yung napakaliit nilang barong barong sa may tabi ng tubigan, malapit kasi sila sa fishport. Bukod sa napakadumi ng lugar napakabaho pa dala ng amoy ng mga nabubulok na isda.
Di ko mapigilan na mag isip, ano nga ba ang kulang sa buhay nila kung bakit nasadlak sila sa ganung kalagayan? Edukasyon? Trabaho? Swerte?
Sa bagay, paano mo nga naman bibigyan ng edukasyon ang mga taong ni pagkain walang mailapag sa mesa. Paano mo bibigyan ng trabaho ang isang ina kung kulang pa ang maghapon sa pag aalaga sa 4-5 anak nya. Anong swerte pa kaya ang dadapo sa kanila, kung ni pantaya sa lotto wala sila.
Naiisip ko tuloy, mas maswerte naman sila kahit papaano kesa sa mga street children na inabandona ng mga magulang nila. At least sila, may kumakalinga, may gumagabay, kahit kumakalam ang tyan sa gutom sa araw araw na paghihikahos.
Ano pa kayang bukas ang meron ang mga batang yun? Magiging sakit ba sila ng ulo ng bayan, magiging magnanakaw ba sila, mamamatay tao, hostes?
Ano nga ba ang ginawa at ginagawa ng gobyerno para matulungan sila? Dapat ba maging gobyerno nalang ang taga salo nila?

Pagpapakilala
Isang mapagpalayang araw sa iyo kaibigan!
Tama ka, isa tong kaibang "blog" di katulad nung isa ko, kaartehan sa buhay ang laman nun. Ito ngayon, ang mga totoong nararamdaman ko para sa bayan kong mahal.
Mga panunuri ng isang ex-aspiring LFS member, isang muntikan nang maging parte ng mga "rallies" sa Recto. Sa makatuwid, ex na nga, so normal na mamayang Filipino nalang ako. Pero may "say" parin ako dapat diba?
Lumaki kaming magkakapatid sa katamtamang pamumuhay, OFW si Papa, si Mama naman housewife. Mahirap din maging average family, ika nga sa survey, ang mahihirap lalong naghihirap, mayayaman ay lalong yumayaman, so kaming asa average, edi di magkandaugaga sa pagsisigurado na mabubuhay kami ng maayos.
Panganay ako sa tatlong magkakapatid, mas naexperience ko ang lumaking salat sa ginhawa na natatamasa ng mga asa alta sosyedad, pero maayos naman akong lumaki sa gabay ng magulang ko.
Ngayong may asawa na ako, siguro nga mas lumakas ang loob kong mabuhay at lumaban ng patas para narin kahit paano may maipagmamalaki ako sa sarili ko bago ako mamatay na somehow wala akong naagrabyadong mga tao.
Ayun lang ang buhay ko, di man interesting ang life ko kagaya ng iba, dito ko nalang siguro ibabahagi ang kuro kuro ko tungkol sa paligid ko.
Salamat sa iyong pakikibahagi.

Subscribe to:
Comments (Atom)