Kahapon, gaya ng nakagawian na namin ng asawa ko, nagpunta kaming MOA para ipark si MJ (sasakyan namin) at para makapag dasal sa Baclaran.
Sa daan, di ko maiwasan na tumingin sa mga squatter's area dun sa may Malabon. Mas masahol pa ata ang kalagayan nila sa mga squatter's ng Tondo at Caloocan. Sila, literal na squatter kasi mas malaki pa ata ang kama naming mag asawa kesa sa buong bahay nila. Hapon iyon, kaya pinapatulog nung nanay yung mga anak nya dun sa isang bahay na nakita ko. Asa 4-5 ang anak nyang nagsisiksiksan sa loob nung maliit na bahay at kasama yung nanay. Nakatirik yung napakaliit nilang barong barong sa may tabi ng tubigan, malapit kasi sila sa fishport. Bukod sa napakadumi ng lugar napakabaho pa dala ng amoy ng mga nabubulok na isda.
Di ko mapigilan na mag isip, ano nga ba ang kulang sa buhay nila kung bakit nasadlak sila sa ganung kalagayan? Edukasyon? Trabaho? Swerte?
Sa bagay, paano mo nga naman bibigyan ng edukasyon ang mga taong ni pagkain walang mailapag sa mesa. Paano mo bibigyan ng trabaho ang isang ina kung kulang pa ang maghapon sa pag aalaga sa 4-5 anak nya. Anong swerte pa kaya ang dadapo sa kanila, kung ni pantaya sa lotto wala sila.
Naiisip ko tuloy, mas maswerte naman sila kahit papaano kesa sa mga street children na inabandona ng mga magulang nila. At least sila, may kumakalinga, may gumagabay, kahit kumakalam ang tyan sa gutom sa araw araw na paghihikahos.
Ano pa kayang bukas ang meron ang mga batang yun? Magiging sakit ba sila ng ulo ng bayan, magiging magnanakaw ba sila, mamamatay tao, hostes?
Ano nga ba ang ginawa at ginagawa ng gobyerno para matulungan sila? Dapat ba maging gobyerno nalang ang taga salo nila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment