Isang mapagpalayang araw sa iyo kaibigan!
Tama ka, isa tong kaibang "blog" di katulad nung isa ko, kaartehan sa buhay ang laman nun. Ito ngayon, ang mga totoong nararamdaman ko para sa bayan kong mahal.
Mga panunuri ng isang ex-aspiring LFS member, isang muntikan nang maging parte ng mga "rallies" sa Recto. Sa makatuwid, ex na nga, so normal na mamayang Filipino nalang ako. Pero may "say" parin ako dapat diba?
Lumaki kaming magkakapatid sa katamtamang pamumuhay, OFW si Papa, si Mama naman housewife. Mahirap din maging average family, ika nga sa survey, ang mahihirap lalong naghihirap, mayayaman ay lalong yumayaman, so kaming asa average, edi di magkandaugaga sa pagsisigurado na mabubuhay kami ng maayos.
Panganay ako sa tatlong magkakapatid, mas naexperience ko ang lumaking salat sa ginhawa na natatamasa ng mga asa alta sosyedad, pero maayos naman akong lumaki sa gabay ng magulang ko.
Ngayong may asawa na ako, siguro nga mas lumakas ang loob kong mabuhay at lumaban ng patas para narin kahit paano may maipagmamalaki ako sa sarili ko bago ako mamatay na somehow wala akong naagrabyadong mga tao.
Ayun lang ang buhay ko, di man interesting ang life ko kagaya ng iba, dito ko nalang siguro ibabahagi ang kuro kuro ko tungkol sa paligid ko.
Salamat sa iyong pakikibahagi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment